Kapitan ng barangay pinagpapaliwag sa parada sa nasasakupan | Bandera

Kapitan ng barangay pinagpapaliwag sa parada sa nasasakupan

Leifbilly Begas - April 12, 2020 - 01:15 PM

Video courtesy of Facebook page of Ms. Vivian Velez.

PINAGPAPALIWANAG ng Quezon City government ang isang kapitan ng barangay dahil sa isinagawang parada sa kanyang lugar kahit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

Ipinalabas ni Mayor Joy Belmonte ang show cause order laban kay kapitana Leny Leticia Glivano ng Brgy. Libis.

Pinayagan umano ni Gilvano ang parada kahapon.

Si Gilvano ay binigyan ng 24 oras mula sa pagtanggap sa order upang sumagot at magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan.

Ang parada ay malinaw umanong paglabag sa mass https://www.facebook.com/100000740441066/posts/3187838297917487/?d=ngathering na ipinatutupad ng national at local government bilang bahagi ng paglaban kontra coronavirus disease.

Batay sa video na kumalat sa social media nagparada ang ilang tao hawak ang banner na nagpapasalamat sa mga frontliners.

Mayroon ding isang grupo na nagsayaw sa unahan ng parada.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending