Retail sale sa Balintawak ipinagbawal na–Nograles
INIHAYAG ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na bawal na ang pamimili ng tingi sa Balintawak matapos naman ang nangyaring kontroberya kung saan dinumog ito ng mga mamimili kahapon sa kabila ng umiiral na lockdown.
“We have received reports that there are public markets that reopened yesterday that appear to ignore protocols regarding social distancing. Kasama dito ang Balintawak market sa Quezon City,” sabi ni Nograles.
Nauna nang binatikos ng mga netizens ang kabiguan ng mga otoridad na ipatupad ang social distancing sa Balintawak.
“Mabilis naman po inaksyunan ito ng QC LGU at napagkasunduan po na mananatiling bukas ito para po sa wholesale operations pero isasara ito sa retail operations. Yung retail operations po, imbes na doon sa Balintawak, itutuloy po ng QC Fresh Market on Wheels program,” ayon pa kay Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.