Sunshine Cruz inokray ng basher: Walang naitulong, puro pa-curve
NIRESBAKAN ni Sunshine Cruz ang isang epal na basher na pumuna sa ginagawa niyang regular workout sa bahay habang naka-enhanced community quarantine.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres na sa panahon ngayon ng health crisis, mas importante ang mapanatiling healthy and fit ang isip at katawan para hindi mabilis kapitan ng sakit.
In fairness, talagang kinakarir ni Sunshine ang pag-eehersisyo kaya naman kitang-kita ang ebidensiya sa mga latest IG photos na kanyang ipino-post.
Pero as usual, may mga bashers pa rin na walang nakikitang positibo sa kanilang kapwa. Tulad ng isang hater na nagsabing mas inuuna pa raw ni Sunshine ang pagpapaseksi kesa tumulong sa mga nagugutom ngayong panahon ng krisis.
Komento ng netizen na may user name na @cyruzmacatangay, “Walang natulong puro pakitang gilas halatang papansin lamang. Extend your help un ang kailangan ngaun hindi ung puro pa-curve.”
Ito naman ang matapang na reply sa kanya ni Sunshine, “Lol! I am helping in my own way. Ikaw? Have you done your part? If you are bothered by my posts, then don’t look. Now, if you have done your part, then good.”
Hirit pa ng ex-wife ni Cesar Montano, “It is essential for everyone to stay healthy now that we are obliged to stay at home.
“Health and wellness is needed especially at this point in time. I’ve been doing my part.
“Tumulong at patuloy na tumutulong sa abot ng aking makakaya but I’d rather not post on social media nalang sana.
“Sa panahon ng crisis, I hope we can lift each other up rather than focusing on negativity.
“I’m trying to be healthy and trying to influence people and my girls to exercise para hindi lang gadgets ang pinagkakaabalahan kaya wag sana masamain ng iba ang ginagawa ko at pag udyok sa iba na mag-ehersisyo.
“Anyways, samahan ninyo na lang ako mag workout para lumabas ang ating happy hormones at makapagluto, laba, plantsa o walis tayo ng may ngiti sa ating mga labi. Stay healthy and be safe family and friends. #goodbvibesOnly,” mensahe pa ni Sunshine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.