Ellen sa mga lalaki: Kebs na sa face, toes, hands & height | Bandera

Ellen sa mga lalaki: Kebs na sa face, toes, hands & height

Ervin Santiago |April 09,2020
facebook
share this

Ellen sa mga lalaki: Kebs na sa face, toes, hands & height

Ervin Santiago - April 09, 2020 - 02:33 PM

ELLEN ADARNA

MUKHANG hindi na masyadong mahalaga ngayon kay Ellen Adarna ang itsura ng isang lalaki para magustuhan niya. 

Ayon sa ex-partner ni John Lloyd Cruz, iba na ang hinahanap niya ngayong mga quality ng isang guy para maging interesado siya rito.

Nagpa-question and answer (Q&A) session si Ellen sa mahigit 3 million followers niya sa Instagram at game na game niyang sinagot ang ilang tanong tungkol sa kanyang personal life.

Ayon sa dating sexy star, mas mahalaga na ngayon sa kanya ang pagiging “mentally stable” ng kanyang magiging life partner kesa sa pisikal na anyo.

Diretsong tanong kay Ellen ng netizen, “The first thing you notice in a man?” “Now at 32, if he is a man of his word and his routine…Kevs na sa face, toes, hands and height.

“And plus 100 billion points if he’s more mentally stable than me and he got his shit together,” reply pa ni Ellen.

Sa tanong naman na “physically fit men but immature or fat but mature men?” ito ang sagot ng former actress, “Better alone than unhappy and unsatisfied. I’m fine. Thank you.” 

Sa mga nagtanong naman kung totoong patuloy pa rin ang kanyang pagiging party girl sa kabila ng pagkakaroon ng anak kay John Lloyd, sey ni Ellen, hindi na niya kaya ang makipagwalwalan nang bonggang-bongga.

 “Like once a month the most. But when I do, I go all out. But that’s it. Once a month or even once in two months. Di na kaya ang 3 days na recovery teh. Gorang na. Di na masaya,” chika ng dating sexy actress.

Samantala, nilinaw din ni Ellen sa kanyang IG followers ang tungkol sa diamond ring na lagi niyang suot. Marami kasi ang nagsasabi na engagement ring daw nila ito ni Lloydie kaya natsismis na malapit na silang ikasal noon.

Paglilinaw niya, regalo raw ito sa kanya ng kanyang ama noong 13 years old pa lang siya.

Kamakailan ay inamin ni Ellen na sumailalim siya sa isang mental  health training at meditation course sa Bali, Indonesia matapos makaranas ng anxiety attack at depresyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumailalim din siya sa two-week quarantine pagkauwi niya ng Pilipinas bago tuluyang bumalik sa bahay nila sa Cebu. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending