National ID kailangan para mapabilis ang tulong ng gobyerno
MAS madali umanong maipatutupad ang mga programa ng gobyerno kung mayroon ng national identification card ang bawat Pilipino.
Ayon kay Iloilo Rep. Raul Tupas, chairman ng House committee on national defense, dapat ay isulong ng Philippine Statistics Authority ang mabilis na pagpapatupad ng National ID law para mas mabilis na matukoy ng gobyerno kung sino ang mga dapat na bigyan ng ayuda.
Dapat umanong unahin ang mga nasa informal sector gaya ng mga magsasaka, mangingisda, at vendor.
“Lack of identification also means zero or little access to basic public services, including banking and financial transactions. Many are among the unbanked or outside of the financial system just because they have no IDs.”
Sa pamamagitan ng National ID ay matutukoy ng gobyerno kung sino-sino at ilan ang walang sapat na kinikita at dapat na unang mabigyan ng ayuda.
Ang mga bagong panganak ay dapat na umanong bigyan ng National ID at ang numero nito ang magiging panghabambuhay nilang numero sa pakikipagtransaksyon sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.