P30B bigay sa LGUs pambili ng relief goods, PPEs | Bandera

P30B bigay sa LGUs pambili ng relief goods, PPEs

Leifbilly Begas - April 07, 2020 - 06:14 PM

MAY matatanggap na P30.824 bilyon ang mga lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kanilang kakayanan na matugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan laban sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Interior and Local Government inaprubahan na ng Office of the President ang pagbibigay ng pondo sa ilalim ng “Bayanihan Grant to Cities and Municipalities”.

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na ang one-time grant ay kasing halaga ng isang buwang Internal Revenue Allotment ng munisipyo o lungsod.

“Naniniwala ako na mas alam at ramdam ninyo ang pangangailangan sa inyong sinasakupan kaya siguruhin po sana natin na gagamitin natin ng maayos ang pondong ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” ani Año.

Iginiit ni Año na dapat gastusin lamang ang pondo sa mga proyekto at programa sa paglaban sa COVID-19 gaya ng pagbili ng ipamimigay na relief goods, personal protective equipment para sa frontline service providers, gamot at bitamina, hospital equipment at supplies; disinfectants at mga katulad na bagay, at tents para sa pansamantalang matutuluyan ng mga palaboy.

“Ngayong panahon ng Kuwaresma, ang kailangan po natin ay magtulungan at magkaisa para sama-sama tayong makabangon sa krisis na ito.  Hindi po ito panahon ng pagbibida at politika kundi panahon ng paglilingkod at pagkakaisa,” dagdag pa ng kalihim.

Ang pondo ay kinuha sa mga proyekto ng gobyerno na hindi na itutuloy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending