Nadine Lustre matiyagang pumila para makapag-grocery
NATUWA ang fans ni Nadine Lustre nang makita ang viral photo ng aktres na nakapila sa isang supermarket sa Quezon City nitong nagdaang weekend.
Isang netizen ang nag-post sa Instagram ng litrato ng Kapamilya star na nakasuot ng face mask at may bitbit na ecobag ay matiyagang naghihintay sa pila para makapasok sa grocery.
Istrikto pa ring ipinatutupad ngayon ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic at ilan nga sa dapat sundin ng mga namimili ng supplies ay ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask.
Kitang-kita naman sa litratong ibinahagi ng Instagram fan page na JadineEscape na sinusunod talaga ni Nadine at ng iba pang nakapila sa supermarket ang quarantine protocol lalo na ang social distancing.
Naaliw at natuwa naman ang fans ng dalaga nang makita siyang personal na bibili ng kanyang mga pangangailangan habang naka-ECQ ang NCR.
Sabi ng ilang netizens, ngayon nila napatunayan na kayang-kayang mabuhay ni Nadine mag-isa at hindi kailangang umasa sa ibang tao. At tulad ng mga ordinaryong tao, talagang nagtiyaga ang dalaga na pumila para makapag-grocery.
Isa si Nadine sa mga Kapamilya stars na nagbigay ng mensahe para sa madlang pipol ngayong panahon ng krisis. Aniya, walang inuurungang laban ang mga Filipino.
“It’s an affirmation that in the midst of every imaginable trial, matibay po talaga tayong mga Pilipino. We have gone through so much as one country and we will rise again because we help one another, we care about each other and we share our resources to our kababayans.
“Parati pong bukas ang mga palad at puso natin para sa isa’t isa,” aniya.
Nanawagan din ang dalaga sa pamamagitan ng “Pantawid ng Pag-ibig” fundraising campaign ng ABS-CBN sa madlang pipol na huwag magsawang mag-donate sa lahat ng mga nangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.