P265K shabu nasamsam | Bandera

P265K shabu nasamsam

Leifbilly Begas - April 07, 2020 - 05:16 PM

NAGKAKAHALAGA ng P265,000 ang ipinagbabawal na gamot ang nasamsam at 13 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City.

Naaresto sa buy-bust operation ng Talipapa Police si Ramil Liquigan, 18, ng Brgy. Vasra, alas-4 ng hapon kahapon sa Lucena st., Pael, Brgy. Culiat. Nakuha sa kanya ang P204,000 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Novaliches Police sina Vincent Dennis Ampil, 20, Andre Christian Olbenario, 19, at Ronald Mendoza, 18, alas-10:30 kagabi sa London st., kanto ng Quirino Highway, Brgy. Gulod. Nakuha umano sa kanila ang P12,000 halaga ng marijuana.

Cubao Police naman ang humuli kina Robert Tumulak, 46, Norman Cuenca, at Jerry Barcelona, 47, alas-5:45 kahapon ng hapon sa Gonzales Bldg. EDSA Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao. Nakuhanan umano sila ng P15,000 halaga ng shabu.

Alas-4 ng hapon kahapon ng mahuli ng Project 4 Police sina Ronald Malones, 37, Rodolfo Maniago, 30, Jennifer Llanera, 42, at Vivencio Arnival, 39, sa Magat Salamat st., Brgy. Marilag Project 4. Nakuhanan umano sila ng P17,500 halaga ng shabu.

Kamuning Police naman ang humuli kay Carlo Jose Ricare, 22, alas-10:30 kagabi sa Bgy. Kamuning at nasamsam sa kanya ang P15,000 halaga ng shabu.

Taga-District Drug Enforcement Unit naman ang humuli kay Darwin Serrano, 26, ng Brgy. Quirino 2-B alas-5 ng hapon sa Marang st., Brgy. Quirino 2B. Nakuhanan umano siya ng P20,400 halaga ng shabu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending