Rufa Mae kay Ethel Booba: Ano bang natapos mo?  | Bandera

Rufa Mae kay Ethel Booba: Ano bang natapos mo? 

Alex Brosas - April 07, 2020 - 12:56 PM

HIS latest birthday proved to be essentially meaningful for Vice Ganda as he shared his blessing, lalo na ngayong may health crisis sa ating bansa.

Vice distributed food packs for 850  families after his birthday. Among those recipients were poor families at Barangay South Triangle and Paligsahan in Quezon City. 

Aside from this, kahun-kahong medical supplies din ang ipinamahagi ni Vice sa mga ospital para magamit ng mga frontliners.

Nakinabang dito ang Lung Center of the Philippines, Quezon City General Hospital, San Lazaro Hospital sa Manila, at Philippine Children’s Medical Center. 

“Maraming maraming salamat po sa pagmamahal at pag-aalaga ninyo sa ating mga madlang people. Mabuhay po kayong lahat! God bless you!!!” ang message ni Vice sa lahat ng Filipino healthworkers.

Recently, in-announce rin ni Vice Ganda ang financial assistance na ibibigay niya sa mahigit 400 employees ng kanyang  Vice Cosmetics kabilang na riyan ang early release ng 13th month pay, service incentive leaves, loans at non-conditional cash assistance program. 

Incidentally, sa Gandang Gabi, Vice kagabi, super laugh trip si Vice sa kanyang guests na sina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto.

Sobrang nakakabaliw kasi ang kanilang chikahan. Wala talagang ginawa ang tatlo kundi maghalakhakan at maglaglagan sa kanilang mga kalokahan.

When asked kung sino ang mas matalino sa kanila, Ethel said, “I think wala tayong winner tonight.”

“It’s a tie,” say naman ni Rufa Mae, sabay tanong kay Ethel Booba kung nakapag-aral ito.

“Oo naman. Hello, kung makapagtanong ka sa akin…hello, may book ka?” ganting hirit ni Ethel Booba kay Rufa Mae.

“Ako kasi hindi naka-graduate sa college,” sabi ni Rufa Mae.

“Bago ka magkaroon ng book dapat talaga ano…hindi siya fake news,” patutsada ni Ethel Booba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano ba ang natapos mo?” Rufa Mae asked.

“Ayokong magtapos. Masyadong masaya talaga ‘yung school journey. Nakaka-inspire talaga ‘yung may mga crushes,” nakakalokang sagot sa kanya ni Ethel Booba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending