Bea gumawa ng face shields para sa frontliners; Pooh nag-donate sa mga ospital | Bandera

Bea gumawa ng face shields para sa frontliners; Pooh nag-donate sa mga ospital

Ervin Santiago - April 06, 2020 - 11:37 AM

HINDI lang basta namigay ng face shields ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa mga frontliners, siya mismo ang gumawa sa mga ito.

Isa ang dalaga sa mga nadagdag sa listahan ng mga local celebrities na walang tigil sa pag-aabot ng donasyon at tulong sa mga pamilyang Pinoy at health workers  na apektado ng COVID-19 pandemic.

Nag-post sa Instagram si Bea ng video kung saan mapapanood ang pamimigay niya ng mga DIY (do it yourself) face shields na isa siya sa mga gumawa.

Katulong niya ang charity institution na I Am Hope sa pagre-repack ng mga ginawang face shields na dinagdagan pa nila ng alcohol.

“So, yesterday, we decided to create face shields for the frontliners. Thank you @luckycathy_binag for donating 2,000 raw materials and also for donating 100 gallons of ethyl alcohol. 

It’s hump day for I AM HOPE ORG. today because it’s our first REPACKING DAY at our head quarters!

“Maliit na tulong ito kumpara sa ginagawa para sa atin ng ating magigiting na frontlinersOUR REAL LIFE HEROES! Let’s go!” caption pa   ng aktres sa kanyang IG post.

Samantala, isa rin ang komedyanteng si Pooh sa mga aligaga ngayon sa pamimigay ng mga food packs at PPEs para sa mga healthcare workers sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Pooh, sa tulong na rin ng donasyon ng ilang kaibigan sa showbiz industry, nakapagbigay sila ng medical supplies sa mga ospital sa NCR at kalapit na mga probinsya.

Ilan sa mga nakinabang sa kanilang donasyon ay ang Antipolo Doctors Hospital, St. Anthony Medical Center, Amang Rodriquez Hospital, Antipolo District Hopital, Cardinal Santos Hopital, Gat Andres Bonifacio Hospital, San Lazaro Hospital, Marikina Valley Hospital.

Naabutan din ng tulong ang mga frontliners sa Mandaluyong Medical Hospital, Saint Anthony Medical Center, UST Hospital, San Juan Medical Center, Northern Samar Provincial Hospitals, V Luna Hospital at St. Victoria Hospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending