P16K sa taga-NCR at P10K sa taga-Luzon, makarating naman kaya? | Bandera

P16K sa taga-NCR at P10K sa taga-Luzon, makarating naman kaya?

Jake Maderazo - April 05, 2020 - 07:23 PM

LAHAT  tayo tinamaan ng delubyo na ito. Mayaman, mahirap, bata, matanda, babae, lalake, LGBTQ at bawat pamilya.

Isang “virus” na nakakahawa una dahil sa pagbahing o pagkalat ng “droplets” o “close contact” pero ngayon, pati sa pakikipag-usap o sa hininga ay pinag-iingatan na rin.

Marami na ang nasawi sa COVID-19 ang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong magpaalam o mabigyan ng angkop na seremonya ng lamay at libing. Mga lolo at lola, mga doctor, nars, pulis, OFWs pati na rin ang mga pasyenteng iba ang sakit pero nahawa sa mga ospital o kaya’y napabayaan.

Dahil sa takot matulad sa China, Italy at Iran, mabilisang nagpatupad ng community quarantine ang pamahalaan, sinundan ng State of public health emergency at enhanced community quarantine sa buong Luzon na biglang sumikil sa galaw ng bawat Pilipino. Mula Marso 16 hanggang sa Abril 12, at ngayo’y pinag-uusapan ang lifting nito o kaya’y magpatupad ng 15-day extension.

Dahil sa “stay at home order”, nawindang ang normal na buhay ng lahat ng mamamayang Pilipino. Nawala ang mga trabaho at pinagkakakitaan ng bawat pamilya. Tumigil ang mga pabrika, nawala ang mga pampublikong transportasyon , kinakapos ng mga pagkain at maging supplies sa mga grocery ay nagkakahirapan na rin.

Marami pa ring nagpopositibo at namamatay kahit may lockdown sa Luzon, pero ang maingay na tanong ay kung kaya pa ba ng Pilipino ang extension ng ECQ?

Sa ngayon, ay bumibilis na ang COVID-19 testing ng DOH. Dumarami na rin ang mga regional hospitals na gagamot sa mga worst cases ng naturang sakit. Dumarating na rin ang mga personal protective equipment (PPE) at mga Hazmat suits ng mga health workers para sila’y hindi mahawa.

Dumarami na rin ang mga Quarantine areas na paglalagyan ng mga persons under investigation (PUI’S) na merong mga mild symptoms.

Kung susuriin, mas nagiging handa na ngayon ang ating “health infrastructure” upang harapin ang COVID-19, pero hindi pa rin talaga makakaya kung bubuhos bigla ang mga pasyente . Kailangang mag-ingat ang bawat pamilyang Pilipino na huwag silang mapasukan ng naturang virus sa pamamagitan ng social o physical distancing, paghuhugas ng kamay, pagsuot ng face mask. Kailangan ding matukoy ang mga baranggay na merong mga “super-spreaders” para mapigil pa ang panghahawa nito.

Habang ginagawa iyan, patuloy ang suporta ng national government at LGU’s sa mga pamilyang nawalan ng hanapbuhay. Mandato ng mga local officials na pakaibin ang mga baranggay nila sa panahon ng ECQ. Kayat linggu-linggo ang mga relief goods na ibinibigay ng mga Mayor sa kanilang mamamayan. May kanya-kanyang paraan, katok system sa Navotas, pero karamihan ay house to house sa QC, Pasig ,Maynila atbp. Computerized naman at personalized delivery sa Makati.

Ang Bayanihan Heal As One Act ay nagbibigay ng cash sa 18-milyong pamilya sa loob ng dalawang buwan. Bale tig-P16,000 sa bawat pamilya dito sa Metro Manila at sa labas ng NCR ay tig-P10,000 para sa buong dalawang buwan.

Bukod dito, ang Department of labor and Employment (DOLE) ay namimigay na rin ng tig-P5,000 sa mga nawalan ng trabaho, maging PU driver, kargador, pahinante, pumunta lamang sa kanilang Facebook page.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa totoo lang , bumabaha sana ang pera at relief goods para sa lahat ng pamilyang apektado ng lockdown. Pero ang tanong: makarating kaya ito sa mga nagugutom na mamamayan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending