1-buwang sahod ni Duterte ibibigay bilang donasyon vs COVID-19
INIHAYAG ng Palasyo na ibibigay ni Pangulong Duterte bilang donasyon ang isang buwang sahod para sa kampanya ng gobyerno kontra coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ito’y bukod sa 75 porsiyentong donasyon ng sweldo ng mga miyembro ng Gabinete.
“The President is likewise donating his one month salary for the cause,” sabi ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na karamihan ng mga miyembro ng Gabinete ang nangako na ilalaan ang 75 porsiyentong sahod mula Abril hanggang Disyembre.
“Others have volunteered a salary deduction for the whole duration of the state of public health emergency in solidarity with our countrymen and to help in the government efforts to halt the spread of the coronavirus,” ayon pa kay Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na magbibigay din ng bahagi ng kanilang sahod ang iba pang opisyal ng gobyerno na may ranggong secretary.
“Assistant Secretaries of the Offices of the Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson have likewise committed to donate at least 10% of their income directly to the Office of Civil Defense this month, and will continue providing financial and relief assistance from their salaries to groups who are at the frontline of this health crisis in the succeeding months,” ayon pa kay Panelo.
Sinabi ni Panelo na natutuwa ang Malacanang sa pagtutulungan ng Kongreso at Ehekutibo sa kampanya kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.