IBP tutulong sa frontline workers na hinarass | Bandera

IBP tutulong sa frontline workers na hinarass

Leifbilly Begas - April 05, 2020 - 04:11 PM

SASAKLOLOHAN ng Integrated Bar of the Philippines ang mga frontline workers na nakararanas ng diskriminasyon at harassment.

Ipinagpasalamat naman ito ni Rizal Rep. Fidel Nograles na nagpahayag ng kalungkutan dahil nagagawa ng ilan na apihin ang mga tao na siyang humaharap sa peligro para makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease.

“Nakakalungkot lang na may ganitong diskriminasyon sa halip na magbigay-pugay tayo sa mga taong humaharap sa panganib ng pandemic na ito para tayo ay maging ligtas,” ani Nograles.

Sinabi ni IBP Pres. Domingo Egon Cayosa na ang mga frontliner na nakaranas ng diskriminasyon at harassment ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang National Center for Legal Aid sa pamamagitan ng email [email protected] para kanilang matulungan.

Dapat din umanong tiyakin ng mga lokal na pamahalaan na napoproteksyunan ang mga forntliners sa kanilang lugar, ani Nograles.

“Our quarantine guidelines already have these provisions, but unless every LGU complies we won’t be able to put in place a working mechanism that ensures the safety and well-being of our frontliners.”

Sinabi ni Nograles na naiintindihan niya ang ilan na natatakot na mahawa subalit hindi umano tama na magresulta ito sa harassment at diskriminasyon.

“Kung magpapadala po tayo sa mga ganitong emosyon mahihirapan tayong sugpuin ang panganib ng COVID-19. Ang kinakailangan natin ngayon ay pagtutulungan at pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba,” dagdag pa ng solon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending