SUGATAN 37-anyos na lalaki na nakipagbarilan umano sa pulis na aaresto sa kanya sa Quezon City kahapon.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanang binti si Sanny Eso,ng Brgy. Payatas.
Nagsasagawa ng casing and surveillance ang mga tauhan ng Batasan Police ng mapansin nila ang suspek alas-5:40 ng hapon sa Lower Sampaguita Ext. Area A, Brgy. Payatas.
Inuusisa umano ng suspek ang isang sachet.
Nang lumapit ang mga pulis ay nakatunog umano ang suspek at bumunot ng kalibre .38 revolver at nagpaputok.
Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa binti.
Narekober sa suspek ang 0.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400 at baril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.