Palasyo kinondena ang pamamaril sa ambulance driver
KINONDENA ng Palasyo ang nangyaring pamamaril sa isang driver ng ambulansya na inakalang naghatid ng pasyente na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).
“The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases in the Philippines denounces in the strongest of terms acts of discrimination inflicted upon healthcare workers, OFWs, COVID-19 cases, whether confirmed or suspected, recovered or undergoing treatment, as well as Patients under Investigation and Persons under Monitoring,” sabi ni IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Kasabay nito, nanawagan si Nograles sa lahat ng lokal na pamahalaan na maglabas ng ordinansa para magpataw ng parusa sa anumang diskriminasyon laban sa mga health workers, frontliners, may mga COVID-19, PUis at PUMs.
“Nakakalungkot po na kailangan pa natin sabihin ito. May nakukuha na kasing reports ang IATF na may mga binabastos, hinaharass, at sinasaktang mga health care workers, OFWs, suspected or confirmed Covid-19 na pasyente, mga PUMs, at PUIs,” ayon pa kay Nograles.
Sinabi pa ni Nograles na may ulat din na may mga nurse na pinaalis ng kanilang mga inuupahang apartment kahit may kontrata sila; mga recovered Covid-19 patient na ayaw papasukin sa village nya para makauwi sa sarili nyang bahay; mga OFW na tinatakwil ng mga bayan dahil galing sila sa ibang bansa.
“Mga kababayan, lagi naming sinasabi: we are all in this together, sama-sama po tayo dito. Alam namin na marami sa inyo ay takot, di lang para sa sarili nyo kundi para sa inyong mga pamilya. But we should not let our fear bring out the worst in us. Hindi po ito panahon para talikuran ang kapwa nating Pilipino––ito ay panahon para magmalasakit, magtulungan, at magkaisa,” ayon pa kay Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.