"Shoot to kill" order ni Duterte hindi dapat gawing literal- Cayetano | Bandera

“Shoot to kill” order ni Duterte hindi dapat gawing literal- Cayetano

Leifbilly Begas - April 03, 2020 - 07:09 PM

HINDI umano dapat tanggapin nang literal ang sinabi ni Pangulong Duterte na “shoot to kill” sa mga makakaliwang grupo na manggugulo.

Sa isang online press conference kahapon, ipinunto ni Speaker Alan Peter Cayetano na ang konteksto ng pahayag ng Pangulo ay pasunurin ang lahat sa ipinatutupad na quarantine at hindi pumatay.

“I don’t think literal ang order ng Pangulo na pag may nag-violate, barilin mo eh. Kaya nga tayo may enhanced quarantine to protect people,” punto ni Cayetano.

Nagbanta si Duterte na barilin ang mga manggugulo matapos magtipon ang mga tao sa Quezon City na nagrereklamo dahil wala umanong tulong na natatanggap. Dalawampu’t isa sa mga ito ang dinakip.

“Yung context ng pagkasabi ng Pangulo is that sumunod kayo sa quarantine, I will not tolerate violence. But of course ang shoot to kill ang ibig sabihin nun when he was talking about it is that if they resist or magri-riot sila o sugurin nila yung pulis di ba?” ani Cayetano.

Ayon kay Cayetano malinaw na ang pangulo ay nagmamalasakit sa publiko.

 “Kasi ang general order naman ng pulis is maximum tolerance pero pag tumigas ang ulo at hindi talaga sumunod sa quarantine ay aarestuhin. E ngayon, kung ayaw magpa-aresto at agri-riot ka then there is a level of response that PNP will have to do,” dagdag pa ni Cayetano. “So maging realistic din po tayo na totoo, dapat walang pulitika pero the reality is there are forces out there who are out to get the government.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending