Hoarders asikasuhin ng NBI, hindi si Mayor Vico at VP Leni- solon
ANG mga hoarders ng medical equipment na nagpapahirap sa paglaban ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 ang dapat na tutukan ng National Bureau of Investigation at hindi ang mga gaya ni Pasig City Mayor Vico Sotto o Vice President Leni Robredo.
“Will the NBI please stop this stupidity,” ani AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa isang Viber message.
Dagdag pa nito: “They should run after hoarders of medical equipment such as masks, PPEs (personal protective equipment), gloves among others. They should run after those who hoard food waiting for prices to go up.”
Kung wala umanong magawa ay maaaring bantayan ng NBI ang mga lokal na pamahalaan at barangay officials na hindi ginagawa ang kanilang trabaho.
Dapat din umanong bantayan ang mga sindikato na nangangalap ng donasyon pero hindi naman itinutulong kundi ibinubulsa.
“They should go after syndicates soliciting donations. They should stop investigating people trying to help, less it is perceived as political. They should not burden the President with these acts while we are all trying to help fight this disease,” saad ni Defensor.
Ayon naman kay Ako Bicol Rep. Alfred Garbin maliwanag ang mensahe ng Kongreso na “We heal as one!”.
“Politicking has no place in today’s situation, not when Filipinos are dying, not when Filipinos are sick and hungry,” ani Garbin. “Magtulungan tayo bilang isang bansa, bilang kapwa Pilipino. Hindi porke kalabang partido ay pipigilan mo tumulong. Hindi ito kompetensya bagkos bayanihan ito para sa ikabubuti nating lahat.”
Ginawa ni Garbin ang pahayag matapos hilingin ni Presidential Anti-Corruption Commission sa NBI na imbestigahan si Robredo dahil nakikipagkompitensya umano sa gobyerno sa pagtulong sa publiko.
“We heal as one nga diba? Walang pinipiling kulay, lahi, pagkatao o partido ang kalaban natin. Yan din dapat ang tindig natin. Wala din dapat tayong pinipili sa ating mga tinutulungan at sa mga tumutulong. Iisa ang layunin, iisa ang nasa puso,” giit pa ni Garbin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.