‘Tama bang ikumpara si Bistek kay Joy Belmonte bilang mayor ng QC?’
SA panahong nasa gitna ng kontrobersya si Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi maiaalis na ikumpara siya sa kanyang predecessor, si Herbert Bautista.
Kunsabagay, noong panahon naman ni Bistek until he finished his mayoral term ay maaliwalas pa ang mundo. Unfair na ibagsak lahat ang disgust kay Mayor Joy.
Pero naiimadyin na namin kung sakaling naabutan ng termino ni Herbert ang COVID-19.
Sa hanay ng entertainment press ay maituturing na kampeon siya, sa mga constituents pa kaya niya?
Tiyak na ang mga res.,widente ng lungsod ay bibihirang magreklamo sa ayudang ipinaabot niya. Hindi siyempre siya magpapakabog sa ilang celebrity mayors kung crisis management din lang ang pag-uusapan.
Idagdag pa ang kanyang kapatid na si Harlene na katuwang niya at younger brother na si Hero na isang Konsehal.
It’s just too bad na hindi “makaporma” ngayon si Herbert gustuhin man niya lest he be accused of scoring pogi points, sa paraang nakikipagpaligsahan pa sa nakapuwesto ngayon.
May katwiran si Arnel Ignacio nang sabihin niyang hindi galit ni Joy ang kailangang mamayani kundi ang kanyang pagiging isang pinuno.
Dapat ding pagsabihan ng mga “spin doctor” o PR think tank ni Mayor Joy.
She has to live up to her name.
Samantala, bumalik din si Bistek sa military bilang commanding general ng 1502nd Ready Reserve IB PH para magbigay serbisyo sa publiko sa gitna ng coronavirus disease 2019 crisis.
Ibinalita ito recently ng former mayor sa Instagram and posted some photos habang nasa Tandang Sora, isa sa mga ground zero area sa Quezon City.
“Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city,” caption ni Bistek sa kanyang litrato.
“Our team conducts round the clock inspection of borders to ensure the safety of the city and also distributing goods to our constituents who are in need,” dagdag pa niya.
“We appreciate your support in every way and we also urged everyone to stay home for the safety not just of our city but most especially our families,” mensahe pa ng actor-politician sa lahat ng taga-Q.C..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.