ITINANGGI ng The Medical City ang kumakalat na post sa social media na sila ay sinalakay ng mga pulis at sinamsam ang mga donasyong personal protective at medical supplies.
“There are news circulating that a raid of PPEs occurred in our premises on the evening of April 1. We deny this and encourage everyone to be careful in spreading unverified information,” saad ng advisory ng The Medical City.
Ayon sa kumalat sa social media ang mga sinamsam na medical supplies ay ni-repackage ng mga tauhan ni Sen. Bong Go upang palabasin na sa kanya galing ang donasyon.
Ang pagkakalat ng fake news kaugnay ng coronavirus disease 2019 ay may parusang multa at pagkakakulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.