Angel, Chito, Karla, Jake kumampi kay Vico; Ping napamura, nagbanta
DUMAMI pa ang mga celebrities na nagtatanggol ngayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto.
Hindi sila pabor sa desisyon ng National Bureau of Investigation sa pagpapatawag kay Vico para ipaliwanag ang paglabag umano nito sa ilang batas na ipinatutupad under enhanced community quarantine sa bansa.
Ayon kay Angel Locsin, “Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico.”
Ang tinutukoy ng aktres ay si Sen. Koko Pimintel na umano’y lumabag sa quarantine and hospital protocols matapos magpunta sa isang ospital para samahan ang asawang buntis kahit na nagpositibo na siya sa COVID-19.
Bago ito, pinagsisihan din ni Angel ang pagsuporta sa kandidatura noon ni Koko, “Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko.”
Sinegundahan naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang sinabi ni Angel, “Bakit ganun. Namimili ng ipapatawag. Samantalang yung iba dyan obvious na panlalabag ng batas eh nakalusot at di man lang napagsabihan. Ano ito? Bwisit. Nakakagalit.”
Komento naman ni Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, “Kung sino pa yung maayos magtrabaho (at mahal na mahal ng mga tao), sa panahong kelangan na kelangan nila ng maayos at matino na namumuno sa lugar nila…biglang may mga gustong umepal.”
Sey naman ni Jake Ejercito, “Bawal maging compassionate and efficient. It makes (most of) the others look incompetent as hell.”
Napamura naman si Ping Medina sa sobrang galit, “Napaka put***ng i**a talaga ng gobyerno na ‘to. Babawi kami. Abangan niyo mga hayop kayo. #ProtectVico.”
“Kung sino pa ang nag lilingkod ng tapat at totoong may pag mamahal sa kapwa yun pa talaga ang igigiit. Mas maraming walang hiya dyan. Yun ang istorbohin nyo. Maging makatarungan naman,” ang pahayag naman ni Karla Estrada.
Samantala, siniguro naman ni Mayor Vico na walang dapat ipag-alala ang mga taga-Pasig sa kabila ng naging desisyon ng NBI.
“Huwag na po natin intindihin ang politika. Basta ang lokal na pamahalaan ng Pasig ay ginagawa po ang lahat ng makakaya natin pati po doon sa social assistance po natin, nakikipag ugnayan po tayo sa lokal na pamahalaan.
“‘Yung mga food packs po natin, tuloy-tuloy po ang distribution niyan. Hindi po madali ang paglaban natin sa COVID-19. Basta nagtutulungan po tayo, mula sa barangay level, national level. Kasama po kami sa city level ay masusulusyunan po natin ito,” ani Vico sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.