Nanuntok, nagpaputok ng baril, kelot arestado sa condo | Bandera

Nanuntok, nagpaputok ng baril, kelot arestado sa condo

Leifbilly Begas - April 02, 2020 - 08:57 AM

ARESTADO ang isang lalaki na nanuntok umano ng food delivery man at naglabas ng baril sa isang condominium building sa Quezon City kahapon.

Nakuhanan umano ng granada at baril si Jose delos Santos, 46, ng Unit 12-B Tower 3, No. 1 Orchard Road, Eastwood City Cyberpark, Brgy. Bagumbayan. Kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions (RA 10591) at Illegal Possession of Explosives (RA 9516) ang kinakaharap ng suspek.

Nakatanggap ng reklamo ang pulisya kaugnay ng isang lalaki na naglabas umano ng baril at kumuha ng delivery ng pagkain na hindi para sa kanya alas-12:14 ng hapon noong Marso 30 sa Eastwood City Cyberpark.

Kahapon ng alas-4:40 ng hapon ay nakatanggap ng tip ng pulisya na bumalik umano ang suspek na may dalang baril na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.

Narekober umano ng pulisya ang isang 9mm Glock, isang Angstadt Arms at isang hand grenade.

Bago ito ay kumalat sa social media ang mga video kaugnay ng pananapak ng isang lalaki sa isang food delivery man, at pagpapaputok ng baril mula sa bintana ng isang gusali. Hindi naman malinaw ang kuha ng video upang makumpirma na pareho ang suspek bagamat mayroon din itong tattoo sa braso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending