Pinoy celebs awang-awa sa mga nag-rally sa QC: Gutom sila, takot at nagkakasakit | Bandera

Pinoy celebs awang-awa sa mga nag-rally sa QC: Gutom sila, takot at nagkakasakit

Ervin Santiago - , April 02, 2020 - 08:01 AM

KIM CHIU AT ALEX GONZAGA

AWANG-AWA ang ilang celebrities sa mga residenteng nag-rally sa Quezon City para manghingi ng tulong sa local government sa gitna ng enhanced community quarantine sa bansa.

Ito’y matapos mabalita ang pag-aresto ng sundalo sa mahigit 20 residente na nagprotesta sa isang bahagi ng North Edsa, Quezon City. Mula sa Purok San Roque, Barangay Bagong Pag-asa ang nga raliyista na hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda mula sa QC government.

Inaresto ang mga ito dahil sa paglabag sa kautusan na nagbabawal sa pagsasagawa ng anumang uri ng mass gathering pati na ang social distancing ngayong panahon ng health crisis dulot ng COVID-19.

Hindi kinaya ng ilang celebrities ang napanood nilang video kung saan hinabol ang mga residente na parang mga kriminal habang ang iba naman ay nasaktan pa matapos gamitan ng puwersa ng otoridad.

Ilan sa mga nag-react sa insidenteng ito ay sina Kim Chiu, Anne Curtis at Alex Gonzaga.

Tweet ni Anne, “They need help now, more than ever. Gutom sila… they were left with no choice.. and I’m sure doing this for their own families that they have to feed.

“Sana bigyan to ng pansin at agapan na kaagad ng gubyerno [broken heart emojis]. Ang daming ibang issues that are being brought up when the main focus should be on dealing with the chaos Covid-19 is bringing to the country.

“Dapat ang priority ay ang proteksyon ng mga pilipino sa hirap na dulot ng pandemic na to. People are getting sick, people are hungry, people are tired, people are scared.

“The main focus should be on the true enemy right now, which is COVID-19.

“I pray everyone can work together & concentrate on what TRULY MATTERS – the well-being & protection of the Filipino people,” mahabang mensahe ng TV host-actress.

Sey naman ni Kim, “Ang hirap ng sitwasyon ng mga tao ngayon. Papasok na ang 3rd week of the community quarantine.”

“Hindi dapat hulihin or bugbugin ang kailangan kausapin, they will not be doing those things kung nabibigyan sila ng tamang atensyon and support from the local government. [praying emoji].

 “Seeing this, sila ang padre de pamilya ng bahay nila. Sila ang incharge ng mag provide ng pagkain sa bahay nila.

“Paano na ang asawa at anak nila kung huhulihin pa sila. The local govt has to do something about this. [praying emoji],” aniya pa.

Ito naman ang pakiusap ni Alex, “So sad and heartbreaking to see what happened today in Sitio San Roque.

“This is a wake up call for the government. The people really need you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Step up na tayo lahat para sa bayanihan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending