Alex Gonzaga, Bela Padilla nagkasagutan dahil sa ‘catfishing’
“NAGSAGUTAN” sina Bela Padilla at Alex Gonzaga sa social media tungkol sa umiinit na issue ng “catfishing”.
Ito ang salitang ginagamit ngayon ng mga netizens para ilarawan ang isang tao na gumagamit ng fake identity. Karamihan sa gumagawa nito ay gusto lang mag-trip o manloko ng kapwa.
Naging hot issue ito sa socmed matapos mag-viral ang online ang pag-amin ng isang transwoman na nabiktika siya ng “catfishing” matapos umanong lokohin ng multimedia artist na si Sam Morales.
Matapang na nagpahayag ng kanyang saloobin si Alex Gonzaga hinggil dito. Binalaan niya ang lahat na triplehin ang pag-iingat para hindi mabiktima ng mga manloloko sa socmed.
Tweet ni Alex, “To anyone reading this.. basta ang ka-chat or katext mo ‘di nakipagkita within a month or video call man lang na sabay kayo dalawa pareho nakikita at naguusap sa screen… it’s fraud.”
Kinontra naman ito ni Bela Padilla, “This isn’t always the case, Alex. The victims of these situations are kept in a bubble, so perfect, that they wouldn’t want to leave. One month will feel like a day when the condition you to think that you’re in love and loved.”
Sagot naman sa kanya ni Alex, “Hi Bela, I know and understand. I know people who are victims as well. That’s why I’m reminding everyone if simula pa lang ganun na, it’s shady and fishy na.
“I helped one case to realize that he’s being catfished and thankfully he stopped it. Just trying to help and remind,” aniya pa. Sinang-ayunan siya rito ni Bela at sumagot ng, “Perfect.”
Dagdag pa ng sister ni Toni Gonzaga, gusto lang niyang iparamdam ang kanyang concern, lalo na sa mga kabataan.
“We are always here to look after each other especially sa mga nakakabata sa atin,” sey ni Alex.
Reply ni Bela sa kaibigan, “And that’s precisely why I felt the need to reply to your tweet. Jzan was so brave to speak up. I don’t want her or anybody else who went through this to think it was their fault.”
“I mean, what factual study declared one month? But nevertheless, thank you for the warning,” pahayag pa ni Bela.
Agad namang nilinaw ng aktres na hindi sila nag-aaway ni Alex. Nais lamang niyang magbigay ng dagad na paglilinaw tungkol sa issue ng catfishing.
“Please don’t misconstrue. There is no versus here. I love Alex, I am just covering areas she didn’t cover with her tweet.
“Twitter is a public space and the chances that one might feel left out OR singled out are huge here. We don’t condemn or only accept one point in public spaces,” chika pa ni Bela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.