Kailangan mag-grocery sa gitna ng Covid-19 crisis? Narito mga dapat mong gawin
BAGAMAT maraming eksperto ang hindi naniniwala na posibleng maipasa o mailipat ang coronavirus (COVID-19) sa pagkain o sa food packaging, hindi pa rin dapat magpakakumpiyansa lalo na’t matindi ang dalang panganib ng nasabing sakit.
Kung hindi keri ang grocery pickup o delivery at hindi talaga maiwasan na makasalamuha ang ibang tao dahil kinakailangang lumabas at magtungo sa supermarket o grocery, narito ang ilang bagay na dapat nating tandaan.
1. Maghanda ng listahan ng mga bibilhin para madaling matapos sa pamimili sa loob ng grocery o supermarket
2. Maghugas ng mga kamay bago at matapos manggaling sa pamimili
3. Gumamit ng disinfectant para punasan ang cart o basket na ginagamit
4. Kung maaari ay panatilihin ang anim na talampakan na distansiya mula sa ibang mamimili
5. Tingnang mabuti ang mga bibilhin lalo na ang prutas at gulay. Kung maaari ay huwag nang busisiin pa ito maliban na lang kung ilalagay na ito sa iyong basket. Gumamit din ng hand sanitizer bago at matapos makapamili ng mga bagay na bibilhin.
6. Punasang mabuti ang mga reusable shopping bag sa loob at labas gamit ang disinfectant bago at matapos itong gamitin. Kung pwede itong hugasan, hugasan ito agad matapos gamitin.
7. Itapon agad ang mga single-use grocery bags na ginamit sa pagsa-shopping.
8. Hugasang mabuti ang mga biniling prutas at gulay bago ito kainin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.