Pacman pinayuhan si Matteo na huwag awayin ang magulang ni Sarah: Tama naman po! | Bandera

Pacman pinayuhan si Matteo na huwag awayin ang magulang ni Sarah: Tama naman po!

Ervin Santiago - March 31, 2020 - 08:06 AM

PINAYUHAN ni Sen. Manny Pacquiao ang Kapamilya singer-actor na si Matteo Guidicelli tungkol sa pag-aasawa.

Nakaka-relate kasi ang Pambansang Kamao kay Matteo dahil aniya, tutol din noon ang kanyang inang si Mommy Dionisia kay Jinkee pero talagang ipinaglaban niya ang asawa sa kanyang pamilya.

Personal na humingi ng marital advice sa senador si Matteo nang magkausap sila sa Facebook Live ng “One Voice Pilipinas” fundraising online show para sa mga naapektuhan ng COVID-19.

“Parehong-pareho talaga. Nagpakasal kami ni Jinkee, wala yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee,” simulang pahayag ni Pacquiao na ang tinutukoy nga ay ang pagtutol ng magulang ni Sarah Geronimo kay Matteo.

“What happened to you now, that’s my experience. It happened to us, kami ni Jinkee before,” sabi pa ni Manny.

Ikinasal sina Pacman at Jinkee 22 years ago, simple lang din daw ang naging wedding nila, “Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon mga relatives niya. Ang kasama ko, yung kapatid ko, isa. Wala na. Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa.”

Ang siniguro ng senador noon ay ang hindi tuluyang masira ang relasyon nila ng ina. Ginawa niya ang lahat para mapalapit si Jinkee kay Mommy Dionisia.

 “Later on nu’ng nakita niya na masaya kaming pamilya, at nagkaroon na siya ng apo, yun.

“Unti-unti na niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya din ang magiging lola.

“Nakita niya na masaya ang pamilya namin. Tapos tinutulungan namin siya, kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin. E, we still love our mother and father, na maintindihan sana nila,” payo pa ni Manny kay Matteo.

 “Later on, maintindihan naman nila na hindi naman sa habang buhay laging nandiyan sa poder nila ako nakatira, kami nakatira. Later on, maiintindihan din,” aniya pa.

Sabi pa niya sa aktor, darating din ang tamang panahon na matatanggap siya ng magulang ni Sarah, “Basta huwag lang natin awayin yung magulang natin.”

Sumang-ayon naman ang mister ng Popstar Royalty sa lahat ng sinabi ni Manny, “Tama naman po Senator.”

Hirit uli nila ng senador, “Kasi sa ayaw at sa gusto natin, iisa lang ang magulang natin. Kapag sila nawala, mahirap yun.

“Hindi ko rin naman sinasabi na maka-Mama ako, na Mama’s Boy ako. That’s our responsiblity. We should love our parents,” aniya pa.

Sagot naman ng aktor, “Amen, that’s very true. I’m taking into account every single word na galing kay Sir Manny. Daghang salamat.

“I feel like, also, Senator Manny, sa mga panahon na ito ba, it makes us realize how precious life is, how precious relationships are, how precious everything is.

“Yung mga single relationship natin sa mama, papa, kapatid natin, importante sabihin ‘Ma, Pa, I love you. Salamat sa iyo sa tanan,'” sey ni Matteo.

Sinang-ayunan naman ito ng boxer-politician, “Palagi ako nag-‘I love you’ you sa mama ko, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa asawa ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa magandang sitwasyon man o hindi magandang sitwasyon, palagi akong nag-‘I love you’ sa kanila.

“Kasi, hindi natin alam ang buhay, e. Mamaya wala na tayo, bukas wala na tayo…so, at least we say I love you to our loved ones.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending