Bagong iskedyul ng Tokyo Olympics inilabas na | Bandera

Bagong iskedyul ng Tokyo Olympics inilabas na

- , March 30, 2020 - 08:41 PM

MAGBUBUKAS ang Tokyo Olympics sa susunod na taon sa halos pareho ring time slot na naiskeduyul ito ngayong taon.

Sinabi ng mga Tokyo organizers nitong Lunes na ang opening ceremony ay gaganapin sa Hulyo 23, 2021 na halos kapareho sa orihinal na iskedyul ng games ngayong taon.

Nitong nakaraang linggo ay nagdesisyon ang International Olympic Committee (IOC) at ang mga Japanese organizers na i-postpone ang Olympics hanggang 2021 bunga na rin ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Ang Tokyo Olympics ay nakatakda sanang magsimula sa Hulyo 24 at magtatapos sa Agosto 9 ngayong taon. Ang nareskedyul na closing ceremony ay gaganapin naman sa Agosto 8.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending