Mulupit na parusa kontra curfew violators payag ka? | Bandera

Mulupit na parusa kontra curfew violators payag ka?

Jimmy Alcantara - March 30, 2020 - 11:24 AM

HATI ang publiko sa mga iginagawad na parusa ng mga otoridad laban sa mga taong lumalabag sa curfew na bahagi ng enhanced community quarantine ng pamahalaan.

Ayon sa mga opisyal ng barangay at mga local government units, kailangan ng mga “brutal” na taktika upang pasunurin ang mga lumalabag sa lockdown.

Kabilang sa mga parusang ipinapataw sa mga pasaway ang paglalagay sa mga ito sa kulungan ng aso.

Parang aso

Sa Sta. Cruz, Laguna, iniulat na ipinagsiksikan ni Brgy. Gatid chairman Frederick Ambrosio ang limang menor de edad sa kulungan ng aso noong gabi ng Marso 16.

Papunta ang lima, pawang mag-aaral, sa bahay ng kaibigan nang maaktuhan ng mga tanod.

Dinala sila sa barangay hall kung saan kinastigo sila ni Ambrosio saka ikinulong sa dog cage ng 30 minuto at pinagbantaang babarilin kung hindi susunod.

Parang daing

Hindi man kasing-lupit, kahihiyan din ang dulot ng ginagawang pagbibilad sa gitna ng araw ang parusa sa mga lumabag sa curfew sa Brgy. San Isidro, Paranaque; Calamba, Laguna, at General Trias, Cavite.

Ayon kay Brgy. San Isidro chairman Noel Japlos, hindi umano parusa ang ginawa nila.

Aniya, wala nang lugar sa loob ng barangay hall upang dalhin ang mga pasaway.

“We placed them in an open area for social distancing. We do not have any punishment for curfew (violators),” ani Japlos, na kinalaunan ay tinanggal ang ipinost niya sa Facebook na larawan ng mga upuan at taong nakabilad sa outdoor basketball court at may caption na: “Everyone caught violating the curfew we will place here.”

Parang bangkay

Watch:

Sa isang viral video, makikita naman ang isang lalaking teenager na inilagay sa kabaong habang nakaupo sa tabi ang isa pang teenager na tila naglalamay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maririnig sa background ang boses ng umano’y chairman ng Brgy. Malainen Bago sa Naic, Cavite na si Noel Catibayan na kinakastigo ang dalawang bata.

Nagtanong din siya sa isa mga matandang kasama niya kung ilang minuto nang nakahiga sa ataul.

Iba pang parusa

Samantala, upang bigyan ng ang mga pasaway sa Brgy. 163 sa Sta. Quiteria, Caloocan, ay pinag-push-up ang mga ito habang pinagsayaw ang mga nalambat sa Brgy. Rosario, Pasig, at hindi naman binibigyan ng relief goods at maaaring tanggalan ng scholarship ang mga mahuhuli sa Muntinlupa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending