Presyo ng prutas, gulay tumaas | Bandera

Presyo ng prutas, gulay tumaas

Leifbilly Begas - March 29, 2020 - 02:43 PM

NABIGYANG-DIIN umano sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ang pangangailangan na magkaroon ng Food Security Plan ang gobyerno.

Ayon kay Magsasaka Rep. Argel Cabatbat hindi maikakaila ang pagtaas ng presyo ng prutas, gulay at iba pang essential goods sa mga palengke at groceries.

At ang nakalulungkot umano ay tone-toneladang gulay sa hilagang Luzon ang nabubulok lamang at ibinebenta ng palugi ng mga magsasaka.

May mga bigasan din umano na hindi nagbubukas dahil wala silang maibenta.

“Sa simula pa lamang, nanawagan na tayo: kailangang ilatag ng gobyerno ang isang malinaw, buo, at pangmatagalang Food Security Plan. Hindi lamang sakit, kundi lubha at malawakang pagkagutom ang kalaban ng bansa sa panahong ito,” ani Cabatbat sa isang pahayag.

Sinabi ng solon na humihingi ang Department of Agriculture ng P32 bilyong supplemental budget para ipambili ng imported na bigas upang hindi magkaroon ng kakapusan.

“Ang ganitong kalaking pondo ay dapat napupunta sa ating mga magsasaka, hindi sa mga banyaga. Hindi magsasaka ng Vietnam o ng Thailand kundi magsasakang Pilipino ang makakapaniguradong hindi tayo magugutom sa panahong ito.”

Ang dapat umanong bilhin ng DA ay ang bigas mula sa lokal na magsasaka at tulungan ang mga ito na dumami ang kanilang ani upang hindi na kailangan pang umasa ng bansa sa imported na pagkain.

“Kapag direkta at mas malaki ang ayuda sa lokal na magsasaka, masisiguro natin ang kanilang kabuhayan at ang pangangailangan ng buong bayan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending