outbrain

Pumanaw na veteran actress na-cremate na pero hindi pa pinaglalamayan                      

By Ronnie Carrasco III March 28,2020
share this

Pumanaw na veteran actress na-cremate na pero hindi pa pinaglalamayan                      

By Ronnie Carrasco III March 28,2020
share this

SA mga mahahalagang okasyon nakakabungguang-siko ng aming source ang mga maituturing na alamat sa lokal na pinilakang-tabing.

Isa sa mga laging present sa ganu’ng pagtitipon ay dating sikat na aktres ng kanyang panahon. 

Bagama’t matagal na siyang hindi aktibo sa showbiz, she managed (past tense) to reconnect with old friends.

Kamakailan ay namaalam na ang aktres sa daigdig ng mga mortal.

Ang masaklap, no one among her peers knew what she died of. Nagkataon pang may COVID-19 (which wasn’t the cause of her death, ayon sa aming source).

Kinremeyt ang kanyang mga labi pero hindi pa ito pinaglalamayan ng kanyang pamilya’t mga kaibigan. Hihintayin daw munang bumuti ang panahon.

Nagulat nga ang aming source sa pagkamatay nito. Wala naman kasi siyang nababalitaang nagkasakit ito nang malubha o naratay sa ospital. Bukod dito’y ang mga litrato ng beteranang aktres na punumpuno ng sigla.   

                           

* * *                                                                    

Happy nanays at happy peepz, abangan si Baby Tsina at ang kanyang tatlong beauconerang anak sa Sarap ‘Di Ba? ngayong Sabado.

Makakasama rin sina Onse Tolentino, Ton-Ton Soriano, Beki Belo at Iyah Mina.

Siyempre pa, may maSARAP at affordable na recipe na matututunan tayo from Chef Jonah and Happy Nanay Carmina!

Kitakits sa ating favorite Saturdate habit, ang…Sarap, ‘Di Ba?, 10:45 a.m. sa GMA.

                                     

                         

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending