outbrain

Anak ni Gretchen 10 araw nang naka-lockdown sa US: Praying for those who are sad, scared

By Julie Bonifacio March 27,2020
share this

Anak ni Gretchen 10 araw nang naka-lockdown sa US: Praying for those who are sad, scared

By Julie Bonifacio March 27,2020
share this

DOMINIQUE COJUANGCO AT GRETCHEN BARRETTO

MALUNGKOT man dahil hindi na nakauwi ng Pilipinas dahil sa enhanced community quarantine ay nagpapasalamat pa rin ang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique dahil 

 “Been on lockdown for ten days now—-working at home and drinking lots of vitamins,” ani Dominique sa caption ng ipinost niyang picture on her Instagram account.

Kasalukuyang nasa San Francisco Bay Area, California si Dominique. At sa caption na inilagay niya sa kanyang IG post ay pinaalalahanan niya ang mga tao na maging maingat.

“This type of self-care is not available everyone. I’ve been rationing my food as much as possible; but this is some people’s reality everyday. 

“I hope that  everyone’s taking the same precautions when it comes to not being wasteful, and not hoarding. As much as we can, let’s be grateful for what we have,” mensahe pa ni Dominique.

Ipinagdarasal din daw niya ang mga nasa ospital lalo na ang mga frontliners at medical personnel pati na ang mga nalulungkot at nangangailangan ng kalinga sa panahon ng krisis. 

“I’m praying for all those in hospital beds, with sick loved-ones, and those that feel lonely & scared at this time…” aniya.

Nagtapos ang dalaga ng kanyang second degree on Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising sa California.

And mind you, magna cum laude lang naman ang nakuhang honors ng unica hija nina Gretchen at Tonyboy. Ibig sabihin talagang matalinong bata si Dominique at mukhang napalaki naman ni Gretchen na mabuting bata ang anak.

In fairness, kahit anong panlalait ang ibato sa kanya, hindi naman pwedeng kwestyunin ang pagiging ina ni Greta. Deevah?

                             

   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending