outbrain

Angel Locsin ‘nagpaka-Black Darna’ sa COVID-19 OOTD 

By Ervin Santiago, p March 26,2020
share this

Angel Locsin ‘nagpaka-Black Darna’ sa COVID-19 OOTD 

By Ervin Santiago, p March 26,2020
share this

NAGMISTULANG ‘Black Darna’ ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa kanyang “OOTD” sa gitna nang paghahatid nila ng relief goods.

Isa si Angel sa mga local celebrities na tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong sa mga frontliners at medical personnel na walang takot na nakikipaglaban sa COVID-19 sa lahat ng ospital sa bansa.

Dahil sa kakulangan ng PPE o Personal Protective Equipment na ginagamit ng mga doktor at medical staff sa mga ospital ngayon maraming nakakaisip gumawa ng DYI o “do it yourself” version nito.

At isa na nga si Angel sa mga nakahanap ng paraan para maging protektado sa pag-iikot niya sa iba’t ibang lugar para mamahagi ng tulong sa mga ngangailangan ma apektado ng COVID-19 outbreak.

Kalat na ngayon sa social media ang litrato at video ni Angel kung saan nakasuot siya ng garbage bag na siyang ginamit niya bilang protective gear.

Unang naipost ito sa Instagram account ng isang fan na may caption na, “Hindi lang lumilipad si Darna rumarampa rin salute to you for being a good person.”

Mapapanood si Angel sa maikling video na rumampa pa na parang model suot ang kanyang “OOTD.”

Pinusuan ito ng kanyang fans kasunod ang mga papuri sa kanya. Karamihan sa mga komento ay nagsasabing parang hindi raw napapagod si Darna dahil sa kabila ng kanilang relief operations ay nakukuha pa rin niyang magbiro at mag-enjoy.

Nito nga lang nakaraang mga araw ay personal ding nagpatayo si Angel  kasama ang fiance na si Neil Arce, ng mga air-conditioned tents sa Taguig, para magsilbing temporary mobile sleeping quarters ng medical workers at essential workers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending