Agot Isidro galit na galit kay Koko Pimentel: At magpapaawa ka ngayon? | Bandera

Agot Isidro galit na galit kay Koko Pimentel: At magpapaawa ka ngayon?

Ervin Santiago |March 26,2020
facebook
share this

Agot Isidro galit na galit kay Koko Pimentel: At magpapaawa ka ngayon?

Ervin Santiago - March 26, 2020 - 02:32 PM

KUNG diring-diri si Angel Locsin kay Sen. Koko Pimentel at sising-sisi sa pagsuporta sa kandidatura nito noong Eleksyon 2007, galit na galit naman ang iba pang celebrities sa senador.

Nagulantang ang sambayanan nang pumutok ang balita na positive sa COVID-19 ang senador pero nagawa pa rin nitong magtungo sa Makati Medical Center para samahan ang asawang si Kathryna Yu-Pimentel na nakatakda sanang manganak.

Ayon sa MMC, nilabag umano ng senador ang infection and containment protocols ng ospital. Nakadagdag pa ito sa problema imbes na maging solusyon.,

Ilan sa matatapang na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Sen. Koko ay ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie, Agot Isidro at Jake Ejercito.

Hindi maipaliwanag ni Frankie ang nararamdaman para sa ginawang sablay ng senador at tila napamura na lang ito sa sobrang sama ng loob. Aniya, “No words??? just @$!$&!%!?#%!”

Mensahe naman ni Agot:  “At gusto ninyo kami magtiwala sa gobyerno? Ang gobyernong ito ang papatay sa atin.”

 

Dagdag pa niya, “Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk!

“Sumusunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran. At magpapaawa ka ngayon?
Wag kami, Koko. Wag ngayon!” pikon na pikon pang sey ng singer-actress.

Agree si Jake Ejercito sa punto ni Agot, at ipinagdiinan ang “double standard” na justice system sa bansa.

“Poor is guilty until proven innocent, rich is innocent until proven guilty,” post ni Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending