Cremation, libing agad sa namatay sa COVID-19 | Bandera

Cremation, libing agad sa namatay sa COVID-19

Leifbilly Begas - March 25, 2020 - 04:24 PM

INIREREKOMENDA ng Department of Health ang cremation sa mga taong namatay dahil sa coronavirus disease 2019 sa loob ng 12 oras mula sa oras ng pagpanaw nito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie bagamat ang assumption ay namamatay ang virus kapag namatay na ang tao, hindi pa sapat ang pag-aaral upang sabihin na ganito rin ang COVID-19 dahil bago ang virus na ito.

Hindi rin umano dapat na i-embalsamo ang namatay.

 “Yan po ang ating rekomendasyon (cremation) galing sa DoH, although if you see in the Sanitation Code ang nakalagay po dun those dying of infectious diseases, where now covid-19 has been included, ay dapat within 12 hours ay dapat ma-bury sya and we have expanded that ang rekomendasyon natin is for the body to be cremated,” ani Vergerie.

Sa mga lugar na walang cremation services maaari umanong ilibing kaagad ang namatay.

“Basta lang po naka-seal maigi, ilagay na ho natin agad at wala ng lamay at ilibing agad,” dagdag pa ng DoH official.

Iginiit naman ni Vergerie na kapag namatay ang pasyente na positibo sa COVID-19 at naipasok na ito sa body bag ay hindi na ito maaaring buksan muli. May mga ospital na ang polisiya ay binubuksan ang body bag upang ipakita sa kaanak ang namatay para hindi magkamali ng kukuning labi.

Ang maaari umanong gawin ng mga ospital ay kuhanan ng litrato ang bangkay at ito ang ipakita sa kukuha ng labi.

“Ang kailangan gawin ng mga ospital picturan nila yung tao tapos isara na i-silyo, wala ng magbubukas ipapakita na lang sa mga kamag-anak pero hindi na po pwedeng buksan once it is sealed already.”

“We understand that fact (hindi lahat ng lugar ay crematorium) and meron pong religion hindi sila pumapayag nang ganyan, kaya nga po ang sabi namin they can stick to the sanitation code…. Basta i-bury nalang natin at once huwag ng gagalawin and walang embalsamo ipasok sundin yung nakalagay sa guidelines namin.”

Ang mga staff ng purenarya ay dapat umanong nakasuot ng protective gear gaya ng facemask at goggles sa paghawak ng patay. Dapat ay mayroon din umanong divider sa pagitan ng driver at helper at bangkay kapag nasa sasakyan ito papunta sa crematorium o libingan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sinabi naman ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force Corona Virus Shield, na ang puwede lang sumundo sa namatay ay ang immediate family nito at hindi maaari ang extended family.

 “So wala pong wake, wala na, mismong libing na. Kasi iyon ay mass gathering, iba po ang sitwasyon natin, alam ko po may kultura, may rehiyon pero iba po itong ating sitwasyon ngayon. So, sinasabi po natin, kasama na sa exemption doon siyempre itong magbibigay ng huling basbas, whether minister, pari, Imam or pastor, iyon lang po iyong exempted na puwedeng mag-travel from their home to that place at pati na rin sa sementeryo, aside from that wala po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending