MARAMI ang nagpuyos ang damdamin nang malaman na mayroong mga taong pinaghihinalaang nahawa ng coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang pinauwi ng ospital na kanilang pinuntahan.
Ang payo sa mga pinauwing ito ay mag-self quarantine o magkulong sa bahay at palakasin ang immune system na kailangan ng katawan sa paglaban sa infection.
Maaari kasing makalikha ang katawan ng tao ng antibodies na lalaban sa COVID-19 kaya may mga taong gumagaling kahit na hindi nagpapagamot o umiinom ng gamot. Paano ba palalakasin ang immune system?
Ayon sa VeryWellFit, upang lumakas ang immune system kailangan ng nutrients gaya ng protein, vitamins A, C, at E, at minerals na zinc at iron. Makatutulong naman ang probiotics o good/friendly bacteria sa digestive system.
Ano nga bang pagkain ang makapagpapalakas ng immune system.
1. Almonds
Pwedeng ihalo ang almonds sa salad at yogurt. Ito ay mayaman sa vitamin E na antioxidant at tumutulong sa function ng immune system. Meron din itong iron at protein.
2. Avocado
Ang avocado ay kilala sa taglay nitong monounsaturated fatty acids na katulad ng olive oil, pero maganda rin itong source ng vitamin E, vitamin C, iron, at zinc.
3. Broccoli
Ang isang cup ng chopped broccoli ay may taglay na vitamin C na kailangan mo sa buong araw. Mahalaga ang vitamin C sa paglikha ng antibodies ng katawan.
Meron din itong vitamin A at plant-based iron.
4. Kale
Ang Kale ay isang cruciferous vegetable na kamag-anak ng cauliflower, arugula, at broccoli.
Mayaman ito sa vitamin A na maganda sa balat at mucous membranes. Meron din itong vitamin C, vitamin E, iron, at zinc.
5. Manga
Napakadaling maghanap ng mangga sa panahong ito. Ang mangga ay mayaman sa vitamins A and C at vitamin E.
6. Oysters
Ang oyster ay mayaman sa zinc, protein at iron. Mayroon din itong konting vitamin A.
7. Red Sweet Peppers
Ang red sweet pepper ay mayaman sa vitamins C at A. Meron din itong vitamin E.
Ang red sweet pepper ay may mababang calorie kaya marami ang naglalagay nito sa kanilang egg omelets.
8. Sweet Potatoes
Ang sweet potatoes ay rich in vitamin A, at meron ding vitamin C, vitamin E, at plant-based iron.
9. Tuna
Ang tuna ay kilala sa makukuha nitong omega-3 fatty acids. Pero meron din itong zinc, selenium, at protein na mahalaga sa pagpapalakas ng immune system. Pwedeng raw, pwedeng grilled at pwede ring palaman sa sandwich.
10. Yogurt
Ang yogurt ay kilalang source ng probiotics na mahalaga sa immune system at mayaman pa sa protein. May taglay din itong vitamin A at zinc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.