#Angkakapal: Carlo, Jake Igan bad trip sa mga politikong epal | Bandera

#Angkakapal: Carlo, Jake Igan bad trip sa mga politikong epal

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 11:17 AM

CARLO AQUINO

NAKATIKIM ng galit at pambabatikos mula sa mga celebrities ang ilang politiko na ipinamukha pa sa buong mundo ang pagpasok sa trabaho kahit may COVID-19 crisis.

Tinawag ng netizens na “epal” at “makapal ang mukha” ang ilang mambabatas na tila pinalalabas pang utang na loob ng mga Filipino ang pagpasok nila sa kongreso para sa isang special session. 

Hindi rin umayon sa kanila ang publiko nang ikumpara nila ang mga sarili sa mga bayaning frontliners na iniaalay ang buhay sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa katunayan, naging top trending topic pa sa Twitter ang hashtag na “#angkakapal” habang sabay na nagsagawa ng special session ang Senado at Kamara kahapon. 

Ilan sa mga personalidad na nag-react sa isyung ito ay si Carlo Aquino. Ipinost ng aktor sa kanyang Instagram Story ang isang live streaming video ng isang news kung saan nakasulat ang, “Rep. [Luis Raymund] Villafuerte tiniyak na walang korapsyon sa paglalabas ng pondo.”

Caption ng binata sa kanyang post, “Sana talaga totoo. Yun po ang dasal naming lahat.” 

Bukod dito, ibinahagi niya rin sa kanyang followers ang isang quote card na nay mga katagang “WALANG PALAKASAN” na may hashtag na #NOTOVIPTESTING. Nakasulat din sa quote card na ang dapat inuuna sa COVID-19 test ay ang mga taong may sintomas at frontliners. Comment pa ni Carlo, “Test kit pa lang kurakot na. Pano pa sa pondo.”

JAKE EJERCITO

Pang-asar naman ang post ni Jake Ejercito sa kanyang Twitter account kung saan makikita ang viral photo nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Executive Secretary Salvador Medialdea hawak ang isang banner na nagsasabing kaisa sila ng mga frontliners sa paglaban sa virus.

Ang original na nakasulat sa banner ay, ”TOGETHER WITH DOCTORS AND FRONTLINERS, WE WENT TO WORK FOR YOU, SO PLEASE STAY HOME FOR US!”

Pero sa nirepost ni Jake, pinalitan na ito ng isang clown emoji.

ARNOLD CLAVIO

Samantala, ito naman ang galit na galit na pahayag ni Arnold Clavio sa kanyang Instagram, “Hindi pa tayo nahihimasmasan sa mga politikong inagawan pa ang ibang PUIs at PUMs sa COVID19 test sa RITM, eto na naman ang mga hinayupak at kinumpara pa ang kanilang mga sarili sa mga frontliner.

“Patawarin kayo ng mamamayang pilipino at tila ginagawa ninyong circus ang lahat.

“Marami ang nangangailangan ng tulong ninyo sa inyong mga distrito.

“PLEASE GO HOME! AND HELP THEM!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending