Dingdong Dantes, Sheryl Cruz may warning sa publiko kontra COVID-19: Bawal magsinungaling! | Bandera

Dingdong Dantes, Sheryl Cruz may warning sa publiko kontra COVID-19: Bawal magsinungaling!

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 09:34 AM

DINGDONG DANTES

ILANG celebrities ang nakiusap sa lahat ng Filipino na makipagtulungan sa pamahalaan at pairalin ang disiplina para mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19 crisis.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na pagpapasaway ng ilang Pinoy habang nakikipaglaban ang pamahalaan sa killer virus, kabilang na ang pagsuway sa social distancing at pagsisinungaling ng ilang pasyente sa tunay na estado ng kanilang kalusugan.

Isa sa mga celebrities na nagbigay ng public service announcement hinggil dito ay ang Descendants of The Sun lead star na si Dingdong Dantes. 

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso Primetime King ng video para magbigay ng ilang tips kung paano malalabanan ang coronavirus disease 2019.

“Mga Kapuso, sa panahon po ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.

“Hinihikayat ng Department of Health ang lahat ng pasyente na please i-disclose ninyo ang lahat ng impormasyon sa mga health workers.

“Huwag po nating ilihim ang mga activities natin lalo na kung may kaugnayan sa ating pagbiyahe at sa exposure natin sa mga kaso ng COVID-19,” pahayag ni Dingdong.

Aniya pa, “Importante po ito upang maiwasang mahawaan ang mga doktor, mga nurse, at iba pang frontline health workers natin. 

“Ang inyong tapat na sagot ay maaring makapagligtas ng mga buhay hindi lang ng mga health workers, pati na rin ng mga pasyente na nangangailangan siyempre ng pangangalaga nila,” mensahe pa ng mister ni Marian Rivera.

Sabi pa ni Dingdong, hindi ito ang panahon para magsinungaling tungkol sa kundisyon ng ating kalusugan, “Sa panahon ngayon dapat katotohanan lamang. Mag-ingat po tayong lahat. Salamat po, mga Kapuso.”

Bukod kay Dingdong, nakiusap din sa publiko ang Magkaagaw star na si Sheryl Cruz na manatiling safe ans healthy sa gitna ng coronavirus pandemic.

Isang video rin ang ipinost niya sa Instagram para paalalahanan ang publiko na huwag magsinungaling sa health workers.

“Mga kapuso, bawal magsinungaling. Sa mga panahon ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat ng pasyente na i-disclose ang lahat ng impormasyon sa mga health workers. ‘Wag po natin ilihim ang mga aktibidad lalo na kung may kaugnayan sa ating pagbiyahe at sa exposure natin sa mga kaso na may COVID-19,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending