Dagdag kapangyarihan kay Duterte para labanan ang COVID-19 inaprubahan ng Kamara | Bandera

Dagdag kapangyarihan kay Duterte para labanan ang COVID-19 inaprubahan ng Kamara

Leifbilly Begas - March 24, 2020 - 12:10 AM

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagdedeklara ng national emergency at pagbibigay ng kapangyarihan at pondo kay Pangulong Duterte upang malabanan ang coronavirus disease 2019.

Sa botong 284-9 at walang abstention, inaprubahan ang panukalang Bayanihan Act of 2020 (House bill 6616) na naglalayong bigyan ng special power ang Pangulo upang pangasiwaan ang mga pribadong ospital, medical at health facilities, hotel at mga katulad na establisyemento upang mapangalagaan ang interes ng publiko laban sa COVID-19.

Alas-10 ng umaga ng Lunes nang magsimula ang sesyon at napagbotohan ang panukala ng alas-11:50 ng gabi.

Nagsalita si Executive Sec. Salvador Medialdea sa plenaryo upang gawing pormal ang paghiling sa kinakailangang batas ng Malacanang.

“We therefore approach the distinguished members of Congress, the elected legislators of our people, to ask for a law that will enable the President and the Executive branch the legal authority to address this crisis, in a matter that is free from the restrictions, which while beneficial during normal times, might prove disadvantageous during such an unusual time as this,” ani Medialdea.

Sinabi naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na ipinakita kahapon ang pakikiisa ng Ehekutibo at Lehislatura sa paglaban sa COVID-19.

 “Pero mayroon pong simple message pabalik sa atin ang karamihan ng ating kababayans. “We stay home, we need resources” so we are here today to bridge that,” ani Cayetano. “So today, let’s remember a simple way of calling each other, paano ba natin tawagin ang mga Pilipino kahit nasa abroad tayo? Hindi ba sinisitsitan natin? PSST. P-prayer. S -stay at home. S-save lives. T-take home package or take home pay which we will pass today.”

    Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, sponsor ng panukala, bibigyan ang pangulo ng kapangyarihan na mayroong limitasyon.

     “With the enactment of this measure, the President is empowered, among others, to exercise the special authority within a limited period to respond to the public health emergency. Specifically, the bill seeks to empower the President to order the purchase of goods like testing kits, to lease properties and to construct temporary medical facilities without going through the rules on procurement, as well as require businesses to prioritize and accept contracts for materials and services in connection with the fight against COVID-19,” ani Romualdez.

     Bibigyan din ang pangulo ng kapangyarihan na pangasiwaan ang operasyon ng public transportation upang magamit ito sa health at emergency situation.

    Ang mga gagamiting establisyemento ay babayaran ng gobyerno.

    Ang Pangulo ay bibigyan din ng kapangyarihan na i-realign ang pondo ng 2020 national budget upang magamit sa paglaban sa COVID-19.

     Mayroon umanong P275 bilyon na maaaring galawin ang pangulo—P200 bilyon para sa emergency subsidy na P5,000-P8,000 sa 18 milyong pamilya sa loob ng dalawang buwan at P75 bilyon para sa health services at iba pang serbisyong kakailanganin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Kapag naisabatas ang panukala ay pabibilisin din nito ang pagbili ng mga kailangan sa paglaban sa nabanggit na virus.

    Tatagal ng tatlong buwan ang pagiging epektibo ng panukala. Maaari naman itong palawigin kung kakailanganin at papayagain ng Kongreso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending