FDA: Wala pang aprubadong rapid test kit para sa COVID-19 | Bandera

FDA: Wala pang aprubadong rapid test kit para sa COVID-19

Leifbilly Begas |March 22,2020
facebook
share this

FDA: Wala pang aprubadong rapid test kit para sa COVID-19

Leifbilly Begas - March 22, 2020 - 03:02 PM

WALA pa umanong point-of-care test kit o rapid test kit para sa coronavirus disease 2019, ito ang paalala ng Food and Drug Administration.

Hindi umano totoo na mayroon ng aprubadong COVID-2019 test kit na gaya ng pregnancy test kit na makikita agad ang resulta.

“Ang mga naunang nailabas na listahan ng FDA na aprubadong COVID 19 test kits ay gumagamit ng Real Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR). Ito ay isang proseso na nangangailangan ng PCR Machine sa laboratoryo at mga tauhang may sapat na kaalaman sa paggamit nito,” saad ng FDA.

Ang mga sample na kinukuha sa mga pinaghihinalaang nahawa ng COVID-19 ay ipinadadala sa laboratoryo upang masuri kung positibo ang mga ito.

Ayon sa FDA naglabas din ng pahayag ang Department of Health na nagsasabi na wala pang malinaw na ebidensyang susuporta sa paggamit ng lateral flow rapid (IgG/IgM) test sa pagkumpirma ng COVID 19.

Ayon din sa DOH, tanging ang mga laboratoryo na nasuri ng Research Institute for Tropical Medicine ang maaaring magproseso ng mga RT-PCR based kits.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending