Team Kramer naglabas ng ebidensya sa magandang epekto ng ‘COVID-19 quarantine’
BUKOD sa muling pinaglapit ang mga pamilyang Pinoy at nabigyan ng mahaba-habang panahon para makapagpahinga ang mga subsob sa trabaho, may isa pang magandang epekto ang COVID-19 sa buong mundo.
Ito ay ang unti-unting paglinis ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Luzon partikular na sa Metro Manila mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong March 17.
Saksi rito ang pamilya ni Doug Kramer na nag-post sa kanyang Instagram ng ilang litrato ng kalangitan na kuha mula sa kanilang mansiyon sa Antipolo City.
Sa in-upload niyang collage makikita ang Metro Manila skyline na talagang asul na asul kumpara sa kalangitan na nakunan sa isang video noong December, 2019 kung saan kitang-kita ang gray and foggy skies.
Maririnig sa video ang sinasabi ni Dough tungkol dito, “It looks like a beautiful day, but take a look at that horrible smog. That’s only been a few days with no rain.
“And once there’s no rain, this happens—the pollution is so bad. That’s the reason we moved all the way out here.
“Take a look at that, that’s terrible, that’s what everyone is inhaling right now,” aniya pa.
Sa bagong video na ipinost ng mister ni Cheska Garcia at tatay nina Kendra, Scarlett at Gavin sinabi ni Dough na napakalaki ng pagbabago sa NCR.
“There’s a lot of unfortunate circumstances happening around our world, and also in our country.
“But here’s a little good news. We’ve been here almost a year now.
“And it’s a rarity to get consecutive days of a clear and unpolluted view.
“I would always wonder why our kids would easily get coughs and allergies when we were still living in the Metro.
“I hope we can take care of our home better after this pandemic. We only have one.
“God bless and may God heal our country and people!” pahayag pa ng dating PBA player.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.