EA kumasa sa Barbie challenge; TBATS wagi pa rin sa rating | Bandera

EA kumasa sa Barbie challenge; TBATS wagi pa rin sa rating

Ervin Santiago |March 22,2020
facebook
share this

EA kumasa sa Barbie challenge; TBATS wagi pa rin sa rating

Ervin Santiago - March 22, 2020 - 08:13 AM

EDGAR ALLAN GUZMAN

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, makakasama nina Boobay and Super Tekla sina Kyline Alcantara, Rita Daniela, Cassy Legaspi at iba pang Kapuso stars sa patuloy ng paghahatid ng good vibes sa mga Pinoy. 

Ngayong gabi sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ng GMA 7, siguradong mawawala kahit paano ang inyong lungkot at pangamba dahil sa mga bagong pasabog ng favorite n’yong weekend tambayan.

Magpapakitang-gilas sa pag-arte sina Kyline, Rita at Cassy sa improv segment na “Boobay and Tekla Present.”

Mapapanood din si EA Guzman na kakasa sa “Barbie Challenge.” Ang aktor din ang makakasama ng fun-tastic duo sa “Pranking in Tandem” segment kung saan igu-good time nila ang isang aplikante bilang body guard.

Ang dating ginawang prank, bagong segment na rin sa TBATS dahil pasimuno sa “Talak Nation” sina Boobay at Tekla sa pagitan ng mag-asawang nanlalamig na sa isa’t isa.

Tuloy-tuloy ang laugh trip ngayong Sunday night kaya huwag na huwag aabsent sa The Boobay and Tekla Show pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, patuloy na humahataw sa ratings game ang TBATS dahil talo pa rin nito ang Gandang Gabi Vice. Last Sunday, nakapagtala ng 6.2% national TV rating base sa datos ng Nielsen Philippines habang nakakuha naman ang GGV ng 4.7%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending