Japeth Aguilar namigay ng masks, Jeffrey Cariaso nag-donate ng P100K
TUMULONG rin sa panahon ng COVID-19 outbreak sina Barangay Ginebra Gin Kings swingman Japeth Aguilar at Alaska Aces head coach Jeffrey Cariaso.
Sa isang Twitter post, inanunsyo ni Aguilar at asawang si Cassandra na nagsagawa sila ng crowdsourcing para makapagbigay ng 2,000 face masks para sa mga health workers.
“That money will go to purchasing surgical masks as well as N-95 masks for our frontliners. Thank you so much to everyone that has donated,” sabi ni Cassandra na naging high school basketball player para sa Assumption Antipolo at nag-training sa De La Salle noong college.
Umabot sa humigit kumulang P100,000 ang nalikom ng mag-asawa kabilang na ang nasa 600 piraso ng N-95 masks.
“We’ve found a supplier of face masks and will be donating to hospitals,” anila.
Samantala, nangako si Cariaso na susuportahan ang non-regular employees ng PBA sa kanilang financial needs matapos na suspendihin ang liga dahil sa banta ng kasalukuyang pandemic.
“To coincide with the PBA’s initiative to support those people who are not regular employees, I am making a pledge to donate 100 thousand to our hardworking PBA game day personnel who are severely affected by the cancellation/delay of our season,” ang post ni Cariaso sa kanyang social media accounts.
Nahikayat ng Aces mentor sina Kiefer Ravena ng NLEX, Harvey Carey ng TNT at Meralco teammates Cliff Hodge at Nico Salva na mag-ambag.
Sinabihan ni Hodge si Cariaso na magbibigay siya ng P20,000.
“My goal is to make up at least two months worth of wages for those individuals relying heavily on the games,” tweet ni Cariaso. “If anyone would like to help out, God bless you.”
Sigurado ang sweldo ng players at coaches kahit pa kanselado ang mga laro ngunit ang mga game-day personnel ay umaasa lamang sa allowances tuwing may scheduled games. – Dennis Christian Hilanga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.