Dayuhan nagbigti sa Roxas Blvd | Bandera

Dayuhan nagbigti sa Roxas Blvd

Liza Soriano - March 20, 2020 - 07:06 PM

Ang sinasabing suicide note ng biktima.

BLANGKO pa rin ang Pasay City Police sa pagkakakilanlan ng isang dayuhan na nagbigti sa puno sa Roxas Blvd., Pasay City ngayong umaga. 

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa 40 hanggang 45 ang edad ,nakasuot ng kulay pula at asul na polo shirt, naka-maong na pantalon at kulay puting rubber shoes.

Sa report ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, natagpuan ang dayuhan na nakabigti sa isang puno na gamit ang isang nylon cord sa harapan ng Cuneta Astrodome sa Roxas Blvd ng lungsod dakong alas 5:00 ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, sinasabing isang casino player umano ang nasabing dayuhan na nalulong sa sugal na posibleng naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Nakuha sa tabi ng labi ng biktima ang isang suicide note na nakasaad ang “No family, No Siblings and No. Friends”,  relo at mga gamit nito.

Ayon naman sa ilang mga tambay sa lugar matagal na rin nilang nakikitang tumatambay ang dayuhan sa naturang lugar minsan palakad lakad pa ito sa Pasay Sport Complex kung saan ilang araw nang matamlay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending