Batas sa panahon ng COVID-19 | Bandera

Batas sa panahon ng COVID-19

Atty. Rudolf Philip Jurado - March 19, 2020 - 11:05 AM

MAAARI bang magpatupad ang ating estado ng community quarantine? Ano naman ang karapatan ng mga mamamayan sa ganitong panahon habang ipinatutupad ang community quarantine?

Ano naman ang obligasyon natin bilang mamamayan sa ganitong panahon? May batas ba tayo laban sa mga nagsasamantala sa ganitong panahon ng COVID-19?

Ang kapangyarihang magdeklara at magpatupad ng isang community quarantine ay nasasakop sa likas ng kapangyarihan (inherent power) ng estado.

Ito ay ang “police power” o kung saan maaring gumawa ang estado ng mga alituntunin at patakaran (regulation) para masiguro ang kaligtasan at pangkalahatang kapakanan ng mamamayan.

Ang “quarantine” ay isang teknikal na salita na tumutukoy sa paghihigpit sa galaw o ang paglabas-masok ng mga tao at mga bagay sa isang lugar para mapigilan ang paglaganap ng sakit.

Sa community quarantine, umiiral pa rin ang karapatang sibil (civil right) ng mga mamamayan; ang operasyon at pagpapatupad ng batas sa pangkalahatan ay nananatili at nananaig pa rin. Ang nililimitahan lang ng quarantine ay ang paglabas at pagpasok sa isang lugar o yung karapatang pagbyahe ayon sa Konstitusyon.

Ano naman ang ating legal obligation sa panahon ng COVID-19? Ayon sa RA 11332, mayroon tayong obligasyon na maging “socially and medically responsible”. Ayon sa Section 9 ng RA 11332, sa panahon ngayon ipagbabawal ang pagkakalat ng mga “fake news” sa iba’t ibang social media platforms kagaya ng Facebook.

Sa mga tao ring nakasalamuha o may alam at kinalaman sa pagkatao ng mga pasyente, sila ay pinagbabawalan i-disclose ang mga impormasyon tungkol sa mga ito, maliban nalang kung ito ay bibigyang pahintulot sa pamamagitan ng isang court order. Bawal din ang pinapakalat na mga litrato ng mga pasyente at mga prosesong medikal na nilalapat sa mga ito.

Ang RA 11332 ay nag-oobliga rin sa mga may alam (kagaya ng mga doktor, medical personnel, opisina, eskewelahan at iba’t ibang establisimyento) ng may COVID-19 na i-report ang mga ito sa Department of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau.

Ang mga tao naman na may COVID-19, at institusyon na may COVID-19 patient, ang kanilang facilities ay obligado rin na mag-report sa Epidemiology Bureau ng DOH para sa karampatang paggamot.

Parusang pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan o multa mula Php20,000.00 hanggang Php50,000.00 ang hindi pagsunod at paglabag sa legal obligation na ito.

May batas din tayo na umiiral laban sa “profiteering” o “hoarders” sa panahon ngayon ng COVID-19. Ito ay ang Republic Act 7581 o yung Price Act. Ang batas na ito ay kadalasang nalalabag ng mga negosyante sa ganitong panahon.

Ayon sa R.A. No. 7581, ang profiteering ay isang sistema kung saan ang tao o negosyante ay minamanipula ang presyo ng isang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng labis na pag-angat ng presyo nito, na wala namang katumbas na pagtaas ng mga kostas o kapital nito.

Masasabing minamanipula o labis ang pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin kung ang pagtaas ay hindi bababa sa sampung porsyento (10%) kumpara sa nakaraang buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masasabi rin na minamanipula ang presyo pag walang price-tag ang pangunahing bilihin, pag nagbigay ng maling impormasyon sa bigat o sukat ng bilihin, o kaya naman nagpangiwi o pinalabnaw ang mga bilihin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending