Marvin Agustin napapraning sa COVID-19, 3 araw nilagnat: Mahirap pero lumalaban
NAPAPRANING ngayon ang actor-businessman na si Marvin Agustin matapos magkaramdam ng ilang sintomas ng coronavirus disease o COVID-19.
Ngayong araw ibinalita ni Marvin sa madlang pipol sa pamamagitan ng Twitter na tatlong sunud-sunod na araw siyang nilagnat.
Nakaramdam din daw siya ng, “Dry throat, mild coughing and severe headache.”
Ipinost ng aktor ang mga litrato kung saan makikita ang kanyang body temperature. Tweet ni Marvin, “I am not sure if I got corona virus, ive just recovered from high fever.
“Day 1: 38.2
“Day 2: 39.2
“Day 3: 38
“Day 4: 36.4”
Pahayag pa ni Marvin, “Wala ako maaala na contact with any PUI (person under investigation). But since last Friday, wala na ako physical contact with my mom who lives [with] me that had undergone chemo coz of cancer.”
“Ganyan kami kaparanoid dito sa bahay,” pahabol ni Marvin.
Ayon pa sa aktor, hindi na raw siya nagpa-COVID-19 test dahil nawala na rin ang mga sintomas niya at alam niyang limited pa rin ang testing kits sa mga ospital. Ipagpapatuloy na lang daw niya ang self-quarantine.
“Mahirap pero lumalaban. Pero alam ko na may mas mahirap pang pinagdadaanan ang ibang tao.
“I cant get tested kasi wala na ako symptoms at hindi na daw ako priority to get tested dahil limited pa din ang testing kits.
“Nakakalungkot pero yun ang sitwasyon at kailangan maging pasensyoso sa paghihintay,” lahad pa ni Marvin.
Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga fans and social media followers ni Marvin at nangakong ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.