DEAR Atty.:
Hello po at magandang araw sa inyo attorney. I’m Danny ng Pasig City. Ako po ay isang security guard at nais ko pong ireklamo ang dati kong agency. Since 2004 hanggang 2009 ay kinakaltasan po ako ng hulog sa SSS tuwing sahod pero hindi naman pala nila nireremit sa SSS at sobrang baba po ang pasahod nila sa amin. Attorney, ano ang dapat kong gawin? Pwede ko pa bang mahabol at makuha ang pera ko? Maraming salamat po. — Danny, Pasig City, …1069
Dear Danny:
Makabubuting magtungo kayo sa Social Security System Legal Office sa SSS-Main sa East Avenue, Quezon City.
Sa tulong ng mga abugado ng SSS, magsampa kayo ng criminal complaint na ESTAFA laban sa inyong employer/mga boss.
Sa tulong na rin ng mga abugado ng SSS, makokolekta ninyo ang inyong pera na ikinaltas sa inyo. Gayunman, hindi ito isosoli sa inyo ngunit ibabayad sa SSS bilang inyong contirbution, para naman sa ganon ay masama ito sa naipon ninyong taong paghuhulog. – Atty.
Dear Atty.:
Good morning po Atty. Fe. Nabasa ko po yung column nyo sa Bandera. Ako po si Jose Brillante dating guard ng astroguard, 16 years po akong nagsilbi sa agency nila at nag-resign po ako.
May makukuha pa ba akong separation pay maliban sa cash bond? Lahat kaming guard ng astrogard ay yan ang problema. Sana ay matulungan ninyo kami. — Jose Brillante, …2597
Dear Jose:
Base sa inyong kwento, ang inyong “resignation” o pag-resign ay hindi sa dahilan ng ano mang ginawa o nagawa ng agency.
Ang ibig sabihin, kung ang inyong pagtanggal sa trabaho ay hindi dahil sa mga ginawa ng agency, at ito ay kusa ninyong ginawa, wala kayong separation pay na matatanggap.
If the reason for the termination of the employment is voluntary resignation of the employee, there is no separation pay. — Atty. Fe
Dear Atty.:
Good morning attorney, ask ko lang po ako ng advise if pwede po ba akong mag-file ng case abandonment sa husband ko although pareho na kaming may mga asawang iba. Hindi po kasi siya nagbibigay ng sustento sa anak namin, thanks. — Lady, …4440
Dear Lady:
Kung hindi nagbibigay ng sustento ang ama ng isang bata, ito ay isang krimen sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Children. Magsampa ng demanda sa Women’s Desk kung saan kayo nakatira. Tungkol naman sa monthly financial support, magsampa ng Petition for Support and Support Pendete Lite sa Regional Trial Court kung saan kayo nakatira.
Isumite sa Judge ang inyong certified true copy ng marriage contract at birth certificate ng inyong mga anak. Kayo ay mabibigyan ng “Order of Support” mula sa Judge, na maari po makolekta ng Sheriff. — Atty.
Editor: May nais ba kayong isangguni kay Atty. ? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 0 09277613906
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.