‘Tuloy lang ang dasal, walang imposible sa Diyos’
Mula kahapon ay hindi na kami nag-report sa “Cristy Ferminute” sa Radyo 5, at hindi na rin muna umere ang digital show namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu na “Take It, Per Minute… Me Ganu’n.”
Kailangan naming sumunod sa ipinag-uutos ng DOH na social distancing, maliit lang ang bahagi ng Mga Obra Ni Nanay na ginagamit namin sa digital show, marami pang dumadalaw sa set kaya nagsisiksikan kami du’n.
Hindi masusunod ang ilang metrong layo sa bawat isa kung itutuloy namin ang digital show, ipinagbabawal ‘yun, kaya nagdesisyon ang aming staff na huwag na munang mag-show.
Natanggap naman namin ang mensahe ng aming tagapamuno sa Radyo 5 na si Ms. Gladys Lucas na ganito ang nilalaman, “Dear Radyo 5 Anchors: On account of the Enhanced Community Quarantine Luzonwide (which includes suspension of transportation and strict stay at home policy among others), News5 will suspend regular programming and confine broadcast to hourly news breaks, mini newscasts, airing of live press briefings.
“Radyo 5 will simul with all TV5/Cignal channels. Radyo 5 will not air live programs for the duration of the lockdown.
“A skeleton staffing (lock in team) will be tasked with the hook-up/simul transmission of Radyo 5 and producing our Radyo 5 sponsored news updates, assisted by staff working-from-home.
“Be safe everyone. Salamat.”
House arrest lang kami ngayon kasama ang aming mga anak at apo. Sinusunod namin ang stay home policy, hindi kami lumalabas, bawal na ring umalis ng bahay ang aming mga nasasakupan.
Harinawang matuldukan na ang ganitong sitwasyon na balot sa takot at tensiyon ang buong sambayanan. Walang pinipiling edad at estado sa buhay ang pandemic ng COVID-19, dagdagan pa natin ang mga panalangin, walang imposible sa Diyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.