Price control sa presyo ng pagkain at gamot ipinag-utos ni Duterte
IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng price control sa presyo ng pagkain at gamot sa harap ng community quarantine sa buong Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular 77 na nag-aatas sa lahat ng mga ahensiya at local government units (LGUs) na ipatupad ang naunang ipinalabas na kautusan ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) hinggil sa price control sa presyo ng gamot, iba pang suplay at pagkain.
“The existing price control measures being implemented by the DOH and the DA shall be maintained,” sabi ng kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.