Kaso ng COVID-19 umakyat na sa 187 matapos makapagtala bg 45 bagong kaso
UMAKYAT na sa 187 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) matapos namang makapagtala ng 45 bagong kaso, ayon sa Department of Health (DOH).
Umabot naman sa 12 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.
Samantala, isa pang pasyente ng COVID-19 ang nakarekober dahilan para umabot na sa apat ang gumaling.
Isang 31-anyos na Pinoy na lalaki mula sa Negros Oriental ang pinakahuling gumaling.
Kabilang siya sa dalawang repatriate mula sa MV Diamond Princess cruise ship na nakahimpil sa Yokohama, Japan.
Nagpositibo siya sa virus noonv Marso 9. Noong Mikerkules dalawang beses na siyang nagnegatibo sa virus at nakatakdang lumabas na ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.