Pagho-hoard at panic buying dapat tigilan na | Bandera

Pagho-hoard at panic buying dapat tigilan na

Bella Cariaso - March 15, 2020 - 12:11 AM

NITONG mga nakaraang araw, naubos ang mga alkohol sa mga estante ng supermarket at drug store dahil sa panic buying at pagho-hoard ng mga tao.

Sa panahon na kailangang protektahan ng bawat isa ang kanilang sarili laban sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) may mga nananamantala pa rin sa sitwasyon.

Bulto-bulto ang binibili ng ilan para sa kanilang pansariling suplay samantalang ang iba naman ay nagho-hoard para ipagbili ng napakamahal sa internet.

Dahil dito, gumawa na ng hakbang ang gobyerno kung saan limitado na lamang sa dalawang bote ng alkohol ang maaaring bilhin ng kada isang kostumer.

May direktiba pa si Trade Secretary Ramon Lopez na maaaring palabasin ng mga security guard ang mga mamimiling hindi susunod sa patakaran.

Tiniyak pa ni Lopez na sapat ang suplay ng alkohol kayat walang dahilan para mag-panic buying at mag-hoard ng alkohol.

Bukod sa alkohol, nagpaalala rin ang gobyerno sa publiko na walang dahilan para mag-panic buying ng mga pagkain at iba pang pangangailangan dahil sapat ang suplay sa buong Metro Manila.

Idinagdag pa ng mga opisyal na nagdudulot lamang sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin ang ginagawang panic buying at hoarding.

Bumili lamang ng sapat para sa pamilya at isipin na kailangan din ng iba ang suplay ng alkohol at iba pang basic goods. Aanhin mo ng napakaraming alkohol sa iyong bahay kung ang iba ay wala ring magamit.

Maaari ka ring mahawa kung ang iba ay walang proteksyon para sa kanilang sarili.

Importante ang pagmamalasakit sa kapwa para lahat ay makaiwas sa deadly virus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong epektibo na ang community quarantine sa buong Metro Manila, dapat ding sumunod na lamang ang bawat isa para matiyak na hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending