Kisses, Ryzza Mae nadamay sa blind item ni Lolit Solis tungkol sa balahurang tenant | Bandera

Kisses, Ryzza Mae nadamay sa blind item ni Lolit Solis tungkol sa balahurang tenant

Alex Brosas |March 15,2020
facebook
share this

Kisses, Ryzza Mae nadamay sa blind item ni Lolit Solis tungkol sa balahurang tenant

Alex Brosas - March 15, 2020 - 12:20 AM

KISSES DELAVIN AT RYZZA MAE DIZON

IN full force ang fans ni Kisses Delavin sa pagtatanggol sa dalaga after her name surfaced sa comment section ng aria ni Lolit Solis.

“Naku, kesa naman mag-panic ako at ma-stress kay corona virus paglaruan ko na lang ang tenant sa unit ko, hah hah blind item muna para hindi siya mawalan ng privacy. Ang alam ko, iba ang condo unit sa aksesorya o room na pinauupahan sa mga private residence.

“Pag condo unit medyo meron siyang classy appeal dahil nga isa siyang condominium. Pero na-shock ako nang sumilip ako sa unit ng tenant ko, may nakasampay na damit instead of drapes, meron mga boxes sa sahig at halos wala kang malakaran, sira ang pinto ng kabinet, basag ang marble top.

“Natakot na nga ako tignan ang banyo dahil baka himatayin na ako huh huh. Parang isang room for rent sa Sampaloc area ang pinasok ko na room, hindi kuwarto sa isang condominium sa Timog area.

“Sure ako na malaki magagasta sa renovation ng unit pag iniwan ng tenant dahil halos hindi mo na makilala ang dating unit ni Ryzza Mae Dizon, na tumira ng almost a year sa unit at in fairness kahit malikot na bata si Ryzza Mae hindi nasira ang unit.

“Sana magkaruon na ng time ang busy tenant na ayusin ang mga small repairs ng unit, at sana tutoo ang sinabi ni Gorgy na OA sa pagiging OC ang famous na tenant sa unit ng Imperial Palace ni Mother Lily. Hulaan nyo kung sino ang famous tenant na ginawang chipipay ang sosyal na unit na dating tinitirhan ni Ryzza Mae Dizon?

“Ang makahula ihihingi ko ng regalo kay Ryzza Mae dahil rent free naman siya tumira sa unit na iyon, hah hah hulaan nyo na.”

That was Lolit’s blind item and many of her followers named Kisses as the subject of blind item.

“Sa mga nagtatanong kung si Kisses na naman to, Wala po syang kambal sa pagkakaalam ko. Nasa BGC po ang nabiling unit nina Kisses. Sakaling mag-imbistiga pa mga hanash barbie dolls dito.”

“Clue please manay kasi dawit na dawit name ni Kisses dito. Unfair naman po yun if di pala sya ang tinutukoy. I thought kina Miss Lorna T yung condo na inupahan nila ni Kisses noon na nagkaroon ng problema dahil binaha, di naman po kay manay yun.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yan naman ang pagtatanggol ng fans ni Kisses.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending